^

Police Metro

‘P5k-P8k buong matatanggap ng mga benepisyaryo’- DSWD

Angie dela Cruz - Pang-masa
�P5k-P8k buong matatanggap ng mga benepisyaryo�- DSWD
Tumanggap ng mga relief goods mula sa pamahalaang lokal ang mga residente ng Sitio San Roque, Barangay Pagasa, Quezon City kahapon.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na buong cash na P5,0000 hanggang P8,000 ang matatanggap ng mga benepisyaryo ng social amelioration program ng pamahalaan.

Ito ang nilinaw ni DSWD Secretary Rolan­do Bautista sa harap na rin ng agam-agam at pagtatanong ng marami kung pinaghalong cash at  in-kind ang matatanggap ng mga benepisyaryo ng programa ng pamahalaan.

“In cash na ang mata­tanggap nila para makumpleto yung designated amount sa kanilang region. Hindi na ito magi-ging combination ng food packs at cash amount. Ibig sabihin, kung bibigyan sila ng tatlong package ng food packs which cost more than P1,000, hindi ito ibabawas sa designated amount per region,” paliwanag ni Bautista.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, may 18 milyong low-income families ang makikinabang sa cash assistance program ng pamahalaan.

Ang halagang ibibigay sa benepisyaryo ay depende sa minimum wage ng kanilang respective regions.

Kasama sa mga benepisyaryo ng progra-ma ang informal sector workers na naapektuhan ang hanapbuhay at hindi makapag trabaho dahil sa umiiral na enhanced community quarantine dulot ng epekto ng COVID-19.

vuukle comment

DSWD

ROLAN­DO BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with