^

Police Metro

Lolo na tumambay sa labas ng bahay, pinatay

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 65-anyos na lolo matapos itong pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Calautit, Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Gregorio Aglosolos Jr., na residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-7:30 ng umaga ay nakatambay sa waiting shed ang biktima nang dumating ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek,bumaba dito ang angkas at malapitang pinagbabaril ang biktima.

Nadala pa sa ospital ang biktima, subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

Inaalam pa ng otoridad kung may kaugnay ang pagpatay sa biktima sa kinakaharap nitong kaso na pagpatay sa isang Paulino Tabula, 76 na naganap noong 2017 na binaril nito ng baril de sabog sa dibdib.

vuukle comment

PATAY

PINAGBABARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with