^

Police Metro

Rider tinodas ng ‘agaw motorsiklo’

Ludy Bermudo - Pang-masa
Rider tinodas ng �agaw motorsiklo�
Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jansen Esteban, empleyado ng isang BPO company sa Taguig City, at residente ng Aranga Street, Sampaloc, Maynila.
STAR/File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 25-anyos na binata matapos na barilin ng isa sa dalawang suspek na nakamotorsiklo matapos manlaban sa pang-aagaw sa kanyang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jansen Esteban, empleyado ng isang BPO company sa Taguig City, at residente ng Aranga Street, Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen, alas-2:30 ng madaling araw sa kanto ng Dapitan at Algeciras St., Sampaloc, Maynila ay kahahatid lamang ng biktima sa kanyang nobya sa bahay nito sa Maceda St.,

Habang minamaneho ng biktima ang kanyang NMAX motorcycle na kulay gray ay binuntutan na siya ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo hanggang sa unahan at harangin sa nasabing lugar.

Sapilitang inaa­gaw ng isa sa mga sus­pek ang kaniyang motorsiklo, suba­lit ayaw itong ibigay ng biktima hanggang sa bumunot ng baril at pinagbabaril nang sunod-sunod.

Duguang bumagsak ang biktima sa kaniyang motrsiklo at dito na kinuha ng isa sa mga suspek at mabilis na tumakas.

Ilang saksi ang nagdala sa biktima sa pagamutan subalit idineklarang patay, dakong alas 3:37 ng madaling araw.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with