^

Police Metro

5-anyos na angkas ng kuya sa bike, lasog sa armored van

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 5-an­yos na batang lalaki habang sugatan ang 12-anyos nitong kuya matapos tumbukin ng isang armored van ang sinasakyan nilang bisikleta sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Sa naantalang ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang vehicular accident alas-12:45 ng hapon ng Pebrero 6, 2020 sa intersection ng Juan Luna at Capulong Sts., sa Tondo.

Kinabukasan, ipinabatid ng ama na si Antonio R. Calderon Jr., sa mga otoridad na ang idineklarang patay ni Dr. Catherine P. Rasalan ng Emergency Room Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang 5-taong gulang na si Jay-C Calderon dakong alas-10:00 ng gabi ng Pebrero 6.

Nagtamo naman ng sugat at galos ang nakakatandang kapatid na nagmaneho ng bisikleta na si C-Jay Calderon.

Nabatid na nakaangkas sa unahang bahagi ng bisikleta si Jay-C nang mabundol ng armored van (WJA 987) kung saan pumailalim at kinaladkad ang batang lalaki.

Naisugod naman sa nasabing pagamutan ang magkapatid subalit hindi na nakaligtas sa kamatayan ang nakababatang Calderon.

Nakapiit sa MDTEU detention facility ang driver ng van na si Simplicio Calma Jr., na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resul­ting in homicide, slight physical inhuries at da­maged to properties.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with