^

Police Metro

4 Chinese inaresto sa tangkang pagdukot sa Pinay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na Chinese na kinilalang sina Weird She, 28; Well In Bei, 25; Xiaohui Sun, 22 at So Chen, 26, pawang mga nanunuluyan sa Central Park Condominium, Pasay City ang inaresto ng mga barangay tanod dahil sa tangkang pagdukot sa isang Pinay na si Gella Maniti, 18 noong Biyernes ng gabi sa Makati City.

Ayon kay Maniti, tinangka siyang dukutin ng mga suspek malapit sa kaniyang tinutuluyang bahay sa may Einstein Street, Brgy. San Isidro, Makati City, alas-10:00 ng gabi.

Sa salaysay ng mga barangay tanod ng natu­rang barangay, isinasara nila ang gate sa may Marconi Street nang makita ang komosyon at rumes­ponde ngunit nagtatakbo ang anim na suspek. 

Dito nila napag-ala­man ang tangkang pagdukot kay Maniti ng mga suspek makaraang bumaba ang biktima sa sinak­yang taksi. Hinabol ng mga tanod ang mga tumatakas na suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa apat sa kanila habang nakatakas ang da­lawa pa.

vuukle comment

GELLA MANITI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with