^

Police Metro

Ex-child actor arestado sa pananaksak

Joy Cantos - Pang-masa
Ex-child actor arestado sa pananaksak
Jiro Katkura Manio
STAR

MANILA, Philippines — Himas-rehas ngayon ang da­ting sikat na child actor na si Jiro Katkura Manio matapos pagtripan at bigla na lang saksakin ang nakasalubong na lalaki sa Brgy. San Roque, Marikina City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nag­reklamong biktima na si Zeus Doctolero, 25-an­yos, binata, residente ng Roxas St., Brgy. San Roque ng lungsod na ito.

Ang biktima ay isinugod sa Amang Rodriguez Rizal upang malapatan ng lunas sa tinamong saksak sa likurang bahagi ng katawan at ulo maliban pa sa tinamong mga pasa sa pakikipagsuntukan sa dating aktor.

Inireklamo nito ang suspect na si Manio, 27- anyos, isang eatery helper at residente ng M.A. Roxas Street, Brgy. San Roque ng lungsod.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang naglalakad si Doctolero kasama ang isa nitong kaibigan sa kahabaan ng M. A. Roxas St., Brgy. San Roque ng  nasabing siyudad dakong alas-7:20 ng gabi nang makasalubong si Manio sa lugar.

Ayon sa biktima, big­la na lamang siyang dinaluhong ng suntok ni Manio sa hindi pa malamang dahilan kaya nakipagsuntukan na rin siya rito upang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Gayunman bigla na lamang bumunot ng patalim si Manio at sinaksak ang biktima ng tatlong beses. Sa presinto ikinatwiran naman ni Manio na hinampas umano siya ng helmet ng biktima.

Kasalukuyan na nga­yong nahaharap sa kasong frustrated homicide si Manio.

vuukle comment

JIRO KATKURA MANIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with