^

Police Metro

Lolo dedo sa ininom na ‘sex pills’

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Natagpuang patay ng isang room boy ang isang 77-anyos na lolo na si Victor Gabor sa inupahang kuwarto ng motel na matatagpuan sa Capistrano St., Cagayan de Oro, kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, bago natagpuang patay ang biktima na bumububula ang bibig nitong Sabado ng alas-6:00 ng umaga ay pumasok ito doon na may kasamang isang batang babae.

Matapos ang oras ay hindi pa lumalabas ang biktima at kasamang babae kaya naman tinungo ito ng roomboy para sabihin na tapos na ang kanilang oras.

Nang walang sumasagot sa pagkatok nito ay sapilitang binuksan ang kuwarto at nakita ang biktima na bumubula na ang bibig at wala na rin ang babaeng kasama nito. 

Lumabas sa pagsusuri ng doktor na atake sa puso ang ikinamatay ng biktima at nakita sa lugar ang ininom nitong “sex pills”.

Hinahanap pa ng pulisya ang babaeng nakasama ng biktima nang ito ay mag-check in.

vuukle comment

SEX PILLS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with