^

Police Metro

7 tulak nadakip sa P1.7 M shabu

Joy Cantos - Agence France-Presse

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga anti-drug operatives ng pulisya ang 7 pinaghihinalaang notoryus na drug pushers sa isang follow-up operation at nasamsam sa kanila ang nasa P1.7 milyon halaga ng droga, kahapon sa Brgy.Montalban, Rizal.

Ang mga nasakoteng suspect ay kinilalang sina Mark Ericson Yusoya, 23; Kenneth Scailla, 21; Marinell Bona, 19; at Norving Aquino, 23;  Maria Niña Flores, 24; Mary Grace Sarmiento,alyas Grace, 35;at Darwin Samson, 32.

Sa ulat, alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ng follow up operation ang Marikina City Police sa Block 6, Lot 40, Greenview, Phase 2, Eastwood, Montalban , Rizal matapos ang pagkakasamsam ng P 8.2 milyon halaga ng droga sa  buy bust operation sa Marikina City kung saan dalawang drug traffickers ang nasakote noong Disyembre 9.

Nakumpiska sa pitong drug pusher ang isang weighing scale, isang sling bag, limang piraso ng P 1,000.00,250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P 1.7 M.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with