^

Police Metro

11 sangay ng pogo ipinasara ng BIR

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 11 sangay ng isang POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa Parañaque City dahil sa hindi umano pagbabayad ng kaukulang buwis.

Sa ulat, alas-9:00 ng umaga nang salakayin at ikandado ng mga tauhan ng Task Force POGO ng BIR ang apat na gusali sa magkakahiwalay na lugar sa Parañaque City na nagpapatakbo ng 11 POGO branches.  
Ang mga POGO branches ay pag-aari ng New Orien­tal Club88 Corp na may main office sa may Chino Roces Avenue, Makati City.

Ayon kay Deputy Commissioner for Ope­rations Arnel Guballa, bagama’t nakarehistro ang main branch nila sa BIR, hindi naman nakatala ang mga itinayo nilang mga sangay.

Sa kabila nito, nagbi­gay ang BIR ng 48 na oras na notice para mairehistro ng pamunuan ng New Oriental ang kanilang mga sangay o tuluyang isasara ang mga ito.

Ang New Oriental, ang isa sa pinakamala­king kumpanya na nagpapatakbo ng ‘offshore gaming operations’ sa bansa na may higit 6,000 empleyadong Chinese national at nasa 50 na Pilipinong manggagawa.

Mayroon rin itong negosyo sa ‘customer relations service’ at ‘live streaming studio’.

Pinalakas ng pamahalaan ang paghahabol sa mga iligal na POGOs makaraan ang kahilingan ng pamahalaan ng China na habulin ang mga kumpanya na iligal na nagre-recruit ng kanilang mga mamamayan.

Tinatayang aabot sa P20 bilyon kada taon ang buwis na makokolekta sa mga POGO na nasa Pilipinas habang may panukala naman ang Department of Finance na kunan ng ‘income tax’ ang mga empleyado nito.

vuukle comment

BIR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with