^

Police Metro

Bagitong pulis dedo sa bangga

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang bagitong pulis ma­tapos malasog ang katawan nito nang tumama sa concrete barrier sa pag­salpok ng minama­nehong motorsiklo sa kahabaan ng Rizal St., Old Albay District, Legazpi City, Albay, kahapon.

Ang nasawi ay kinilalang si Patrolman John Patrick Cano, 23, residente ng Purok-1, Brgy. Kiwalo, Daraga.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente, alas-4:00 ng madaling araw ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (6957-EZ) at mabilis na binabaybay ang kalsada mula sa bayan ng Daraga patungong Al­bay District.

Pagdating sa palikong bahagi ay nawalan ito nang kontrol sa manibela kaya napunta ang motorsiklo sa kabilang linya at sumampa sa gutter ng kalsada saka malakas na humataw sa concrete barrier.

Sa lakas nang pagka­kasalpok ay duguang hu­mandusay sa tabi ng kal­sada at agad namatay.

vuukle comment

PATROLMAN JOHN PATRICK CANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with