^

Police Metro

Marking sa Unioil, patuloy

Pang-masa

MANILA, Philippines — Masusing nakikipag-ugnayan ang BOC, sa pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sa mga kumpanya ng langis sa bansa upang madaliin ang pagmamarka nila ng kanilang mga petroleum products bago tuluyang sumapit ang itinakdang deadline nito.

Kaya naman patuloy ang isinasagawang fuel marking matapos na isa pang batch ng Mogas Base Fuel na may estimated volume na 11.6 milyong litro na lulan ng MT Sichem Mumbai ang muling minarkahan sa loob ng import terminal facility ng Unioil sa Bataan noong Nobyembre 3, 2019.

Kasunod ito nang pagsisimula ng marking activities ng petroleum products ng Insular Oil Corporation sa Subic noong nakaraang linggo.

Kabuuang 94.9 milyong litro na ng fuel ang namarkahan sa Unioil simula nang isagawa ang initial marking noong Oktubre 22, 2019 na may katumbas ng nakolektang duties and taxes na nagkakahalaga ng P719 milyon.

Hinihikayat ni Customs Deputy Commissioner for Enforcement Teddy Raval, pinuno ng implementing office ng fuel marking program ng pamahalaan na makipagtulungan ang mga oil firms sa mga concerned agencies upang makaiwas sa prosekusyon.

vuukle comment

REY LEONARDO GUERRERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with