^

Police Metro

20-anyos Koreano dedo sa car crash

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi noon din ang isang 20-anyos na Korean national habang malubhang nasugatan naman ang kasama nitong dalaga matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyan nilang kotse sa Aguinaldo Highway, Brgy San Agustin 1, Dasmariñas City, Cavite.

Dead-on-the-spot ang Koreano na si Kim Jinsoph, residente ng Brgy. Santiago, General Trias, Cavite; habang patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang malubhang kalagayan ng kasama nito na si Mhyca Brazal, 20, residente ng South Park Home Subd., Tunasan Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng mada­ling araw habang sakay ang dalawa ng isang Toyota Corolla (VEP 521) at binabagtas ang kahabaan ng naturang highway nang sumalpok umano ang kotse sa center island dahilan upang mawalan ng kontrol sa manibela si Jinsoph.

Dito ay tuluyang bumaligtad ang kotse at mag­pagulung-gulong nang ilang ulit hanggang sa sumalpok ito sa isang malaking puno at saka nahulog sa malalim na bahagi sa gilid ng highway.

Patay agad sa insidente si Jinsoph habang naisugod naman sa pagamutan si Brazal na hanggang ngayon ay inoobserbahan pa ang kalagayan.

vuukle comment

CAR CRASH

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with