^

Police Metro

Pinoy, utas sa Saudi Arabia drone attack

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao kabilang ang isang Pinoy ang naiulat na nasawi sa isang intercepted drone attack na ang target ay isang oilfield facility sa Saudi Arabia.

Ito ang kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa pagkamatay ng overseas Filipino worker (OFW) na nasa loob ng isang sasakyan nang tamaan ng mga debris

Nakausap na rin aniya ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) ang pamilya ng biktima at naimpormahan hinggil sa insidente.

Tiniyak din ni Cacdac na pagkakalooban nila ng tulong ang pamilya kabilang na ang agarang repatriation o pagpapauwi sa bangkay nito.

Una nang iniulat ng energy ministry ng Saudi na na-intercept ng kanilang air defenses ang drone habang patungo sa isang pasilidad sa Shaybah oilfield sa Saudi Aramco noong Miyerkules.

Anang ministry, nagresulta ang pag-atake sa pagkamatay ng dalawang residente, na kinabibilangan ng Pinoy at ng isang Nepali.

Bukod umano sa kanila, may dalawa ring residente ang nasugatan sa pag-atake na kinabibilangan ng isang Pakistani at isang Indian national.

Nabatid na ang insidente ay nagdulot din ng pagkasunog ng isang sasakyan sa labas ng pasilidad, gayunman, hindi naman anila ito nakaapekto sa operasyon ng oil field.

DRONE ATTACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with