^

Police Metro

Ex-mayor Baldo, pinayagang magpiyansa

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anumang araw ay posibleng makalabas sa kanyang kulungan sa Legazpi City City Jail si dating Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos payagan ng korte na makapagbayad ng piyansa sa two-counts of murder at sa six-counts frustrated murder kaugnay ng naging desisyon kamakalawa ng Legazpi City Regional Trial Court Branch 10 sa Legazpi City, Albay.

Sa naging desisyon ni Judge Ma.Theresa San Juan Loquinallo pinapayagang makapagpiyansa si Baldo ng P3-milyon sa bawat count ng kasong murder na isinampa laban sa kanya habang bailable naman ang anim na kasong frustrated murder na kanyang kaso matapos iturong siya ang ‘utak’ sa pamamaslang kay dating Ako Bicol Partylist (AKB) Cong. Rodel Batocabe, sa pulis na badigard nito at pagkakasugat ng anim na senior citizen noong Dis­yembre 22, 2018 sa Brgy. Burgos ng naturang bayan.

Nakitaan umano ng kahinaan ang mga ebidensiya at testimonya ang prosekusyon lalo na nang isalang sa cross examination ang anim na lumantad na gunmen na kinilalang sina Henry Yuson, Christoper Naval, Rolando Arimado, Danilo Muella, Emmanuel Rosillo at Jaywin Babor.

Tumanggi namang magpalabas ng pahayag ang kampo ni Baldo hinggil sa naging desisyon ng korte habang nadismaya naman ang pamilya ng pinaslang na dating congressman.

Nabatid namang nakatakdang magsampa ng motion for reconsideration ang pamilya Batocabe.

vuukle comment

CARLWYN BALDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with