^

Police Metro

Malacañang walang kinalaman sa kasong sedition vs Leni atbp.

Joy Cantos, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Binigyang diin ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar na walang kinalaman ang Malacañang sa reklamong sedition na isinampa ng CIDG sa DOJ laban kay Vice President Leni Robredo at iba pa kaugnay ng viral video na “Ang Totoong Narcolist” na nagdadawit sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Duterte sa drug trade.

Ayon kay Sec. Andanar, walang anumang kamay ang Executive branch sa ginawang paghahain ng asuntong sedisyon ng CIDG gamit ang sworn statement ni Peter Advincula alias “Bikoy.” 

Inihayag pa ni Andanar na napakaraming trabahong inaatupag ng Pangulo gaya ng pagtutok sa korapsyon at iba pa kaysa panghimasukan pa nito ang iba pang mga bagay.

Bukod sa sedition, reklamong cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal and obstruction of justice din ang kinakaharap ni Robredo, kasama ang mga opposition senators na sina Leila De Lima; Risa Hontiveros at  ex-Sen. Antonio Trillanes habang kasama rin sa mga respondents ang iba pang kumandidatong senador sa line up ng Otso Diretso at mga obispo.

vuukle comment

LENI ROBREDO

MARTIN ANDANAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with