^

Police Metro

Ambush: 5 katao patay sa Maynila at Laguna

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Limang katao ang na­sawi sa magkahi­walay na insidente nang pamamaril sa May­nila at lalawigan ng Laguna.

Sa Port Area, Maynila kapwa nasawi ang secu­rity­ guard na si Arnel Puno, 41, may-asawa ng Ba­seco Compound at vege­table dealer na si Shirley Ebora, 35, nang sila ay pagbabarilin­ ng riding-in-tandem habang magkaangkas sa mo­torsiklo, kamakalawa ng alas-8:20 ng gabi sa Muelle del Rio at 2nd Sts.

Sa ulat, minamaneho ni Puno ang motorsiklo at angkas si Ebora nang harangin sila ng dalawang lalaki at walang kaabog-abog na pagbabarilin. Nang bumagsak ang dalawa ay tumakas agad ang mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon na posibleng ang pagpapautang ng pera ng biktimang si Ebora ang motibo sa krimen at si Puno ay katulong sa pani­ningil nito.

Samantala, sa Sta. Rosa City, Laguna ay patay ang tatlong katao habang nasa kritikal na kondisyon ang isang 8-buwang sanggol na lalaki nang paulanan ng bala ang kanilang sinasak­yang Toyota Vios ka­hapon ng umaga sa highway ng Rotonda­, Brgy. Dita.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Milencio Patapat, Nestor Callanga at Carlos Manimtim.

Patuloy na isinasalba ang buhay sa pagamutan ang 8-buwang sanggol na si Carl Gabrielle Manimtim Callanga na nadamay sa insidente.

Sa imbestigas­yon­, ban­dang alas-8:30 ng umaga ay bumabagtas ang sasak­yan ng mga biktima sa nabanggit na lugar nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan.

Nang masigurong na­­dale ang mga target ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang desti­nasyon.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with