^

Police Metro

Police corporal itinumba ng ‘tandem’

Gemma Garcia - Pang-masa

Mag-iinspeksiyon sa voting precincts...

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang pulis matapos siyang barilin ng riding in tandem habang patungo sa pag-iinspeksyon sa voting precincts sa Kapatagan bayan ng Lanao del Norte kamakalawa.

Ang nasawi ay kinilalang si Police Corporal Richard Garcia Gordiones, 30.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa bisinidad ng Brgy. Pa­noloon, Sapad, Kapatagan ay nagpapatrol ito sa nasabing lugar bilang bahagi ng kanyang trabaho para magbigay ng seguridad sa voting centers sa naturang bayad ngayong eleksyon nang ito ay barilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad na nilinaw ng pamunuan ng PNP na walang kaugnayan sa eleksyon ang krimen dahil bago pa maganap ang krimen ay binalaan na si Gordiones ng Lanao del Norte police intelligence unit na may banta sa kanyang buhay ang pamilya ng isang drug personality na napatay sa anti-drug police operations.

vuukle comment

RICHARD GARCIA GORDIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with