^

Police Metro

Duterte hindi sigurado kung mananatili pang kaibigan ng Pinas ang China

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na rally ng PDP-Laban sa Cabadbaran City sa lalawigan sa Agusan del Norte kamakalawa ng gabi na hindi siya sigurado kung mananatili pang kaibigan ng Pilipinas ang China.

Muling isinisi ni Pangulo ang gusot ng dalawang estado sa umano’ y pang-aaway nina da-ting Pangulong Noynoy Aquino at former Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario sa China.

Pinuna rin ni Duterte ang paninisi sa kanya ng mga kritiko dahil hindi umano nito ipinaglalaban ang arbitral ruling sa West Philippine Sea.

Anya, matagal naman ng nagtayo ng artificial islands sa Scarborough Shoal ang China at binalewala umano ito ng administrasyong Aquino.

Pero, posible pa rin naman umapela ang pamahalaan sa mga aktibidad ng Beijing pero tiyak naman daw na mapupulbos ang pwersa ng Pilipinas.

 Magugunita na inihayag din ng Pangulo na ipaglalaban nito ang soberenya ng bansa sa napaulat na nagkalat na vessel ng China militia malapit sa Pag-asa island na pag-aari ng Pilipinas.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with