^

Police Metro

2 drug pusher utas sa buy-bust

Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa
2 drug pusher utas sa buy-bust
Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong ala-1:30 ng madaling araw sa E. Jacinto Street, JP Rizal Avenue, Brgy. West Rembo ay nakahalata ang suspek sa pag-abot nito na isang pakete ng shabu ay pulis ang ka-transaksiyon kaya’t nang akmang bubunot ng baril ay inunahan na siya ng mga nakatagong pulis at napatay.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang lalaki na umano ay sangkot sa illegal drugs matapos na manlaban sa isinagawang drug buy operations sa magkahiwalay na lugar sa Makati City at San Mateo, Rizal.

Inaalam pa ng Makati City police ang tunay na pagkakakilanlan ng suspek na kinilalang si alyas August.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong ala-1:30 ng madaling araw sa E. Jacinto Street, JP Rizal Avenue, Brgy. West Rembo ay nakahalata ang suspek sa pag-abot nito na isang pakete ng shabu ay pulis ang ka-transaksiyon kaya’t nang akmang bubunot ng baril ay inunahan na siya ng mga nakatagong pulis at napatay.

Sa San Mateo, Rizal ay napatay rin ang drug suspect na si Eduardo De Belen, alyas ‘Eddie Bulate’, 59, truck driver ng Sitio Ibayo, Dulong Bayan 1 nang ito ay nanlaban din umano sa buy-bust operation kamakalawa ng alas-3:15 ng hapon.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with