^

Police Metro

Truck na nagtapon ng dumi ng tao sa kanal sa Maynila hinahanap

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang magbigay ng P100,000 si Manila Mayor Joseph Estrada sa sinumang makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon laban sa driver at pahinante ng siphoning company na nagtapon  ng ­dumi ng tao sa tapat ng isang restaurant sa Malate, Maynila noong nakaraang buwan.

Nangako rin si Estrada na dodoblehin niya at gagawing P200,000 ang reward kapag nakasuhan at nasentensyahan ng korte ang suspek na driver pati na ang may-ari ng truck.

Sa video footage na ipinalabas kahapon sa Bulwagang Villegas, makikita na nakaparada ang truck habang nagtatapon ng dumi sa kanal sa tapat ng Century Park sa Pablo Ocampo St. Malate, Maynila noong Pebrero 4.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa LTFRB para matukoy ang may-ari ng truck na may plakang TNV-48 na ang huling numero ay itinupi.

vuukle comment

JOSEPH ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with