^

Police Metro

Trader na naging biktima ng kidnapping, itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ang isang negosyante na da­ting na­ging biktima ng kidnap for ransom (KFR) gang ng hindi pa nakilalang gunman kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Mangilag Sur, Candelaria, Quezon.

Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ay kinilalang si Ronaldo de Guzman Arguelles, 41, ng Cristina Village, Brgy. Mangilag Sur, Candelaria, Quezon.

Batay sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-7:30 ng gabi sa nasabing lugar ay kasalukuyang nakatayo sa tabing kalsada si Arguelles nang sumulpot ang nag-iisang salarin at walang kaabog-abog na pagbabarilin saka mabilis na tumakas.

Nabatid na ang biktima ay kinidnap noong Abril 2018 kung saan napatay sa rescue operation ang limang kidnaper kabilang ang apat na tiwaling pulis at isang babaeng pulis na kabilang sa rescuer ng negosyante sa shootout sa San Pablo City, Laguna.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with