P50-M reward paghahatian ng 5 suspek sa Batocabe murder
Ibibigay ng 3 gives...
MANILA, Philippines — Gagawing hulugan o “3 gives” ang P50 milyon reward money ng pamilya Batocabe sa limang suspek na naging testigo matapos ibulgar kung sino ang utak sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe.
Sinabi ni Atty. Justin Batocabe, napagdesisyunan ng kanilang pamilya na ibigay “in tranches” ang nakolektang reward sa mga suspek na unang sumuko na sina Christopher Naval alyas Tuping; Danilo Muella; Emmanuel Rosillo; Jaywin Babor at Emmanuel Judavar.
Ang unang bigayan ay sa simula ng preliminary investigation, sunod ay sa finding of probable cause at panghuli ay pagbaba ng hatol.
Hindi kasama ang dalawang bumaril kay Rep.Batocabe na sina Henry Yuson at Rolando Arimado o alyas RR. Ayon sa pamilya Batocabe na sila ay naglatag ng mga kondisyon na ibibigay ang reward money sa pamilya ng lima para gamitin sa kanilang seguridad, pang-araw araw na pangangailangan, at pag-aaral ng mga anak.
Pumayag din ang pamilya Batocabe na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang mga suspek. Idinagdag pa ng batang Batocabe na na-cross examine niya ang limang suspek at lumalabas na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang utak sa pagpatay sa ama.
- Latest