^

Police Metro

Ateneo bully student kick-out na

Mer Layson - Pang-masa
Ateneo bully student kick-out na
Sa memorandum na inilabas ng AdMU, na pirmado ng pangulo nito na si Jose Ramon T. Villarin SJ, at nakarating sa tanggapan ng Department of Education (DepEd), dismissal ang naging parusa nila laban sa estudyante matapos ang isinagawa nilang masusing imbestigasyon at pakikinig sa panig ng dalawang partidong sangkot sa naturang bullying incident.
Ateneo de Manila University/Released

MANILA, Philippines — Nagdesisyon ang administrasyon ng Ateneo De Manila University na i-dismiss o sipain sa kanilang unibersidad ang  junior high school student na nakuhanan ng video na nambu-bully o nananakit ng kanyang kapwa estudyante sa loob ng banyo ng kanilang paaralan.

Sa memorandum na inilabas ng AdMU, na pirmado ng pangulo nito na si Jose Ramon T. Villarin SJ, at nakarating sa tanggapan ng Department of Education (DepEd), dismissal ang naging parusa nila laban sa estudyante matapos ang isinagawa nilang masusing imbestigasyon at pakikinig sa panig ng dalawang partidong sangkot sa naturang bullying incident.

Nangangahulugan na hindi na papayagan pa ang naturang estudyante na makabalik ng kanilang unibersidad.

“After a thorough investigation that included listening to all parties involved, the decision of the administration is to impose the penalty of DISMISSAL on the student caught bullying another student in the comfort room of the school,” bahagi ng desisyon. “This means that he is no longer allowed to come back to the Ateneo.”

Sinabi pa ni Villarin na nakausap na niya ang mga magulang ng dalawang estudyante hinggil sa kanilang desisyon at nag-alok ng tulong sa mga pamilya upang malampa­san nila ang insidenteng ito.

Tiniyak din ni Villarin na ipinagpapatuloy pa rin nila ang imbestigasyon sa kaso dahil marami pang ibang kaganapan na sangkot sa insidente.

Siniguro rin ni Villarin na mahigpit ang kanilang paninindigan laban sa bullying at hindi nila kukunsintihin ang mga ganitong pangyayari sa loob ng kanilang unibersidad.

“The Ateneo is very clear on its stand against bullying.  There are already policies and processes codified in the Student Handbook, all in accord with existing legislation, but we still need to ensure that these policies and processes as well as the values they promote are internalized by all members of the community,” anang memorandum.

Ayon pa kay Villarin, bagaman may mga patakaran na ang unibersidad kontra bullying, bumuo pa rin siya ng task force na pag-aaralan kung dapat pang dagdagan ang mga patakaran para matiyak na ligtas mula sa pang-aapi ang mga estudyante.

Nag-viral sa social media kamakailan ang video kung saan mapapanood ang isang estudyante ng Ateneo Junior High School na hinamon ang kaniyang kamag-aral sa loob ng comfort room ng paaralan bago niya ito sinipa at pinagsusuntok.

Umani ng batikos ang video mula sa netizens at ilang kilalang personalidad, kabilang ang mga celebrity at opisyal ng gobyerno.

vuukle comment

BULLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with