^

Police Metro

Martial Law extension sa Mindanao, 6 buwan lang

Malou Escudero - Pang-masa
Martial Law extension sa Mindanao, 6 buwan lang
Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, naging kuwestiyon sa isinagawang security briefing kahapon ng mga security officials kung maaring mas mahaba ang ekstensiyon ng martial law kaysa sa termino ng mga mambabatas na magkakaloob nito.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Anim na buwan lamang ang posibleng pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Ito ang lumutang na posibilidad kahapon dahil magtatapos na ang termino ng mga mambabatas na mag-aapruba nito sa ­Hunyo 30 ng susunod na taon.

Ayon kay Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, naging kuwestiyon sa isinagawang security briefing kahapon ng mga security officials kung maaring mas mahaba ang ekstensiyon ng martial law kaysa sa termino ng mga mambabatas na magkakaloob nito.

Nangako naman umano ang mga security officials na nagbigay ng briefing sa mga senador na kaya na nilang wasakin ang Abu Sayyaf sa loob ng isang taon at mababawasan din niya ang puwersa ng New People’s Army.

Ayon kay Recto, dahil magtatapos na ang kasalukuyang 17th Congress sa June 30, maaring ang susunod na anim na buwang extensiyon ng martial law ay ipagkaloob ng susunod na Kongreso.

Sa ipinadalang sulat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate President Tito Sotto na may petsang Disyembre 6, 2018, sinabi nito na nais niyang magkaroon ng ekstensiyon ang martial law at suspensiyon ng “privilege of the writ of habeas corpus” para tuluyang mawakasan ng AFP at PNP ang rebelyon na nangyayari pa rin sa Mindanao.

vuukle comment

MARTIAL LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with