^

Police Metro

2 miyembro ng ‘Highway Boys’, nautas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang lalaki na umano ay mga miyembro ng Highway Boys nang manlaban ang mga ito sa halip na sumuko kahapon ng madaling araw sa Cainta, Rizal.

Ang Highway Boys ay responsable sa illegal drug trade, gun-for-hire, highway robbery case at iba pang krimen.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek habang nakatakas naman ang itinuturong lider ng grupo na kinilala lang sa alyas na ‘Barry’ at ang isa pa nilang kilalang kasama.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang shootout dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Brgy. San Andres, Cainta ay nagsasagawa umano ng spotting operation ang mga tauhan ng Rizal Highway Patrol Group (HPG) nang matiyempuhan ng mga ito ang isang unit ng Toyota Fortuner na may plakang NOF-845.

Sa isinagawang beripikasyon nadiskubre na hindi re­histrado ang sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) simula pa noong taong 2015 kaya’t pinara ito.

Sa halip umanong huminto ay nagmaniobra ang driver at tumakas patungo sa direksiyon ng Westbank Floodway na patungong Taytay at hinabol ng mga otoridad.

Nakipag-ugnayan ang HPG sa mga tauhan ng Cainta Police at Regional Intelligence Division (RID) Regional Special Operations Unit (RSOU) na noon ay nagsasagawa ng casing at surveillance sa kanilang area of responsibility kaya’t nagkasa ng dragnet operation.

Nang mamataan ang sasakyan ng mga suspek ay kaagad itong pinara at halip namang sumuko ay pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis at muling tinangkang tumakas.

Gumanti ng putok ang mga otoridad at tinamaan at napatay ang dalawang suspek habang nakatakas naman si Barry at isa pang kasama.

vuukle comment

ILLEGAL DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with