^

Police Metro

Kap na nasa narcolist itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang kapitan ng barangay na kabilang sa narcolist ng pulisya nang barilin ito nang malapitan ng isang di pa natutukoy na gunman sa bayan ng Pugo, La Union kamakalawa ng hapon.

Sanhi ng matinding tama ng punglo sa ulo, nasawi noon din ang biktimang si Brgy. San Jose Rosario, Pugo Chairman Ruben Genetiano, 63 taong gulang.

Sa ulat ng La Union Police, nangyari ang krimen sa Brgy. Maoasan, La Union bandang ala-1:30 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon,  kasalukuyang kinakausap ng biktima ang karpintero na kinontrata nito sa kanilang ipinatatayong bahay nang biglang dumating ang isang kotse at bumaba ang armadong salarin at agad itong binaril sa ulo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Sa tala ang biktima ay kabilang sa narcolist ng PNP sa lalawigan ng La Union na nahaharap din sa kaso na may kinalaman sa iligal na droga.

vuukle comment

ITINUMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with