^

Police Metro

Motor salpok sa bus, 1 patay

Christina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang rider habang nasa kritikal naman na kalagayan ang angkas ito matapos na matumbok ng kasalubong na bus habang bumabagtas sa isang pakurbadang bahagi ng kalsada sa Governor’s Drive, Brgy., Poblacion 1A, Ternate, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:50 ng gabi.

Magka-angkas na binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng naturang kalsada sakay ng isang Honda Wave110 na walang plaka patungo sa direksyon ng Maragondon.

Sa bilis ng pagpapatakbo ay sinakop nito ang kabilang lane sa pakurbadang bahagi ng kalsada kung saan paparating naman ang isang bus ng AAB Bus Lines, Inc na minamaneho ng suspek na si John Dowen Perea, 22-anyos, at resident ng Brgy. Lam­bingan, Tanza, Cavite.

Dito ay tuluyang sumalpok ang motor ng mga biktima na naging dahilan upang sila’y tumilapon kasama ang kanilang motor.

Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang dalawa kung saan ideneklarang dead-on-arrival ang isa habang hanggang sa kasalukuyan ang hindi pa nagkakamalay ang kasama nito.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with