^

Police Metro

Pinoy na pumatay sa OFW sa Korea, tugis

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinutugis ng South Korean Police ang isang Pinoy na suspek sa pagpatay sa isang OFW na ang bangkay ay natagpuan sa septic tank ng pinapasukang pabrika.

Pansamantalang hindi muna tinukoy ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang pangalan ng biktima na taga-Iloilo at suspek habang hinihintay pa ang opisyal na police report ng South Korean police hinggil sa insidente.

Ayon sa ulat na natanggap ni  Philippine Ambassador to South Korea Raul Hernandez na bagaman kilala na ang suspek ay patuloy pa rin ang pagkalap ng mga ebidensiya ng mga pulis laban dito at sa teorya ng South Korean police na magkaibigan ang biktima at suspek.

Batay pa sa ulat na noong Mayo 5 ay natanggap ng DFA ang report tungkol sa isang factory worker na nagtungo sa South Korea noong 2016 at nawala din ito ng nasabing taon at nitong Abril ay natagpuan ang buto ng biktima sa isang septic tank na pinapasukan nito.

Ayon kay Hernandez, kaagad na iuuwi ang mga buto ng biktima kapag natapos na ang imbestigasyon dito.

Naniniwala naman ang South Korean Police na nakauwi na sa Pilipinas ang pangunahing suspek sa krimen.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with