^

Police Metro

Inciting to sedition vs Trillanes Lordeth Bonilla

Pang-masa
Inciting to sedition vs Trillanes   Lordeth Bonilla

Batay sa naging speech ni Trillanes: “Kung makikita ito ng mga sundalo, M60 machine gun ang gagamitin ­sa ‘yo. Marami-rami itong mauubos na magazine kung P40 million hinahanap mo Mr. Duterte.” Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — May sapat na ebidensiya para kasuhan si Sen. Antonio Trillanes IV ng inciting to sedition sa naging speech nito na naghihikayat umano sa mga sundalo na patayin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Pasay City prosecutor Joahna Gabatino-Lim at ang kaso ay isinampa ng grupo ng mga abogado na sina Attys. Eligio Mallari; Glenn Chong;  Nestor Ifurung; Jacinto Paras; Eduardo Bringas at Nasser Marohomsalic batay sa na­ging speech ni Trillanes sa Senado noong Oktubre 3 na kung saan dito niya inihayag ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Pangulong Duterte.

Batay sa naging speech ni Trillanes: “Kung makikita ito ng mga sundalo, M60 machine gun ang gagamitin ­sa ‘yo. Marami-rami itong mauubos na magazine kung P40 million hinahanap mo Mr. Duterte.”

Idinagdag pa ni Pro­secutor Joahna Gabatino-Lim na inaalok ni Trillanes ang mga tao na pumirma sa petition upang i-pressure ang  Pangulong Duterte na gumawa ng hakbang para palabasin na ang Pangulo ay may itinatagong yaman para ang taumbayan ay magalit sa Pangulo at sa gobyerno.

Sa pahayag naman ni Trillanes kahapon na haharapin niya ang isinampang kaso at pinabulaa­nan na siya ay nagsabi nang masama laban sa Pangulo.

“Maliwanag na ba­luktot at panggigipit itong kasong ito na nakabase sa privilege speech ko sa Senado na bukod na sa merong constitutio­nally guaranteed immunity from suit, ay wala akong inincite na kung sino to do an­ything,” wika nito.

Inirekomenda ng pro­secutors ang P12,000 piyansa para sa kaso.

Muling hinamon ni Trillanes si Pangulong Duterte na pumirma ng waiver sa kanyang bank account upang patuna­yan na walang siyang sekretong deposito. — Malou Escudero

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with