^

Police Metro

Digong kinikilala ang karapatan ng mga manggagawa

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Isang mainit na pagbati sa lahat ng mga manggagawang Filipino sa loob at labas ng bansa ngayong Araw ng Paggawa!”

Ito ang inilabas na Labor Day message ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte at kinikilala ng kanyang gobyerno ang mga karapatan ng mga manggagawa gaya ng karapatan sa makataong pamamalakad, sapat na sahod, organisadong pagkilos kasama ang kolektibong pakikipagkasundo, pagbuo ng unyon at kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin.

Nakikiisa si Pangulong Duterte sa pagbati sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa sa pagdiriwang kahapon ng Labor Day at sinisikap ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa paglikha ng libu-libong trabaho sa loob ng bansa.

Iginiit ng pangulo na ang bunga ng paggawa ay nararapat na maibahagi nang patas sa lahat ng nakikilahok sa tunay na pagbabago kasabay ng pa­nawagang magtulu­ngan upang lalong mapagtibay ang pundasyon para sa mas payapa at progresibong Pilipinas.

“Malaki ang papel na ginagampanan ng mga manggagawang Filipino sa pagsulong ng mga karapatan para sa makataong pamama­lakad, sapat na sahod, organisadong pagkilos kasama ang kolektibong pakikipagkasundo, pagbuo ng unyon at kalayaang magpahayag ng saloobin,” wika pa ni Duterte sa kanyang mensahe.?

Umasa kayong sinisikap ng Kagawaran ng Paggawa at Empleyo, sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensya, na makapagbigay ng libu-libong trabaho dito mismo sa ating bansa.

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with