^

Police Metro

3 espiya dedo sa NPA ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong katao na umano ay espiya ng pulisya at militar makaraang bistayin ng bala ng labinlimang kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na pananambang sa Purok 4, Brgy. Dampalan, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Alipio Andus, 39; Ariston Paroc, 46 at Julieto Candao, 28; pawang mga residente sa lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon kasalukuyang naglalakad sa lugar ang mga biktima nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong kala­lakihan.

Sa pahayag ni Merlin Paroc, misis ng isa sa mga biktima kagagaling lamang umano nila sa bukid at naglalakad na pauwi ng kanilang bahay kung saan ay may ilang metro lamang ang distansya niya sa kaniyang mister at dalawa pang kaibigan nito nang mangyari ang insidente.

Isang kalatas na iniwan ng mga rebelde ang narekober sa crime scene na nagsasaad ng pagpapataw ng rebolusyonaryong kilusan  ng  parusang kamatayan sa mga biktima na umano’y aktibong nagbibigay ng impormasyon sa pulisya at militar. 

vuukle comment

NPA AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with