^

Police Metro

Drug raid: 3 Koreano, 3 Pinoy arestado

Ricky ­Tulipat - Pang-masa
Drug raid: 3 Koreano, 3 Pinoy arestado
Ang anim na drug suspects kabilang ang tatlong Korean nationals ang naaresto sa isang drug raid sa isang condominium sa Makati City ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).
Boy Santos

MANILA, Philippines – Anim na drug suspects ang naaresto kabilang ang tatlong Korean national nang salakayin ng mga operatiba ng QCPD ang kanilang tinutuluyang condominiuman sa Makati City, kahapon ng mada­ling araw.

Ang mga Korean nationals ay kinilalang sina Bang Kho Laem, alyas Mr. Kuo o Chi Pui Wong, 49; Isaac Kho, alyas Kiderk Kim o Kook Jung Wung, 51; Jintaek Lee, 42; at mga Pinoy na sina Jaypee Soriano, 24; ng Brgy. Payatas; Arby Diaz, alyas Arbeen Jhielyn Diaz, 20, ng Pandacan, Maynila at Kathleen Nonato, 32 ng Sitio Mendez, Quezon City.

Bago naaresto ang mga suspek dakong alas-12:30 ng madaling araw sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte ay sinalakay ng mga otoridad ang isang high-end condominium sa Makati City makaraang makatanggap ng isang tip mula sa isang concerned kaugnay sa o­perasyon ng mga suspek na kumikilos sa Makati at Quezon City.

Sa pagsisiyasat, ang modus ng mga suspek ay magsingit ng gramo ng shabu sa mga papeles na nasa loob ng  expan­dable folder bago ipadala sa South Korea at sa United States gamit ang isang courier company.

Nasamsam sa condominium unit ang mga baril, dalawang laptop, mga envelope kung saan nakalagay ang 16 plastic sachet ng shabu, at drug paraphernalias, at isang kalibre 33 na revolver.

Ipinagharap ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Drugs Act of 2002 at R.A 10591 o comprehensive firearms and ammunition regulation act.

vuukle comment

KOREANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with