^

Police Metro

Isabela, Cagayan, Kalinga at Apayao nasapol... Bagyong Lawin hataw sa Signal No.5

HINTS AND TRACES - Joy Cantos - Pang-masa
Isabela, Cagayan, Kalinga at Apayao nasapol... Bagyong Lawin hataw sa Signal No.5
Dakong alas-2:00 ng hapon sa advisory ng PAGASA na ang bagyo ay may lakas na taglay ng hangin sa 225 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna na posibleng tumaas hanggang sa 315 kph ang pagbugso.
FRANCIS ELEVADO

MANILA, Philippines – Idineklara na kahapon bilang super bagyo ang bagyong Lawin  dahil itinaas na sa public storm warning signal number 5 ang lalawigan ng Isabela, Cagayan, Kalinga at Apayao.

Dakong alas-2:00 ng hapon sa advisory ng PAGASA na ang bagyo ay may lakas na taglay ng hangin sa 225 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna na posibleng tumaas hanggang sa 315 kph ang pagbugso.

Lumawak din ang diametro na sakop ng bagyong Lawin mula sa 700 kilometers hanggang 800 kilometers.

Ang mga lalawigan na tatamaan ng lawak ng bagyo ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng landslides, flash floods at mga storm surges.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaasahan na tatamaan ng bagyo ang Isabela-Cagayan dakong alas-11:00 ng gabi hanggang umaga ng Huwebes ngayon.

“Iyung bagyong ito, talagang super strong siya. Kahit saan tatama iyun, talagang destructive siya. Huwag niyo nang anuhin kung saan mag-landfall, kahit tatama siya ng Cagayan o Isabela, destructive pa rin siya dahil sa laki ng diameter ng bagyo natin,” wika ni PAGASA Assistant Weather Services Chief, Rene Paciente.

Nagbabala rin si PAGASA meteorologist Samuel Duran na ang  storm surges ay tataas hanggang limang metro at tatamaan ang Cagayan, Calayan Islands, Isabela, at Ilocos Norte.

Dakong ala-1:00 ng hapon kahapon ang bagyo ay huling namataan sa layong 300 kilometers east ng Casiguran, Aurora.

Ipinatupad na rin kahapon ng mga opisyal ng pamahalaan at security forces ang preemptive at force evacuation sa ilang lalawigan sa Northern Luzon na direktang   tatamaan ng matinding hagupit ni Lawin.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairman Ricardo Jalad, nakahanda na ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief ( HADR) mission sa mga lugar  na nasasaklaw ng Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) 5, 4, 3, 2 at 1.

Ipinag-utos na rin ng  mga gobernador, mayor at iba pang mga opisyal  ng lokal na pamahalaan base sa babala ng NDRRMC ang preemptive evacuation sa mga flood at landslide prone areas sa Northern Luzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ipinag-utos na rin ni Isabela Governor Faustino Dy III sa Provincial Police Office ng kanilang lalawigan na ipatupad na ang forced evacuation laban sa matitigas ang ulong mga evacuees na kung kinakailangang bitbitin  ang mga pasaway na residente ay gawin ito upang madala ang mga ito sa mga evacuation center.

Nasa signal number 3 naman ang La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora. Signal number 2 ang Batanes group of islands, Pangasinan, rest of Aurora, Tarlac Nueva Ecija, Northern Zambales, at Northern Quezon kabilang na ang Polilio Islands.

Nasa signal number 1 naman ang iba pang bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, iba pang lugar sa  Quezon province, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila.

Posibleng lumabas ang bagyong Lawin sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.

Ang mabagsik at ma­lakas na bagyo  na naitala ang Super Typhoon Yolanda (international name: Haiyan), na nagwasak sa mga bayan sa Central Visaya noong  November 2013, na nag-iwan ng  7,350 patay at nawawala.

vuukle comment

BAGYONG LAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with