^

Police Metro

2 hired killer tumba sa pulis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang hired killer ng sindikato ng droga ang napatay matapos maunahan sila ng pulis na balak nilang itumba sa loob ng compound ng apartment ng huli sa Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan, kahapon.

Ang pulis na nakapatay sa dalawang hired killer ay kinilalang si PO3 Jonathan De Belen, nasa hustong gulang, intelligence operative ng Anti-Illegal Drugs  ng Norzagaray Police.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout ay nagising si De Belen dakong alas-4:00 ng madaling araw dahil sa kahol ng mga alaga niyang aso.

Kinuha nito ang kanyang baril at sumilip sa bintana at  nakita ang dalawang armadong lalaki na pumasok sa compound ng kanilang apartment.

Lumabas si De Belen  at kinompronta ang dalawang suspek dahilan illegal trespassing, subalit agad umanong nagbunot ng baril ang dalawa kaya’t pinaputukan sila at napatay.

Lumilitaw naman sa im­bestigasyon na bago ang insidente ay nakatanggap ng mga banta sa kaniyang buhay si De Belen dahilan sa tagumpay ng inilunsad na anti-drug ope­rations ng Norzagaray Police Station.

Pinagbantaan rin ang buhay nito ni Domingo Cabangon alyas Ka Ambo, isang da­ting NPA member na inaresto din ni De Belen sa kasong homicide.

Nasamsam sa pinangya­rihan ng engkuwentro ang isang cal. 45 pistol na may isang magazine na puno ng bala, apat na plastic sachet ng marijuana, isang bag na naglalaman ng mga pinatu­yong dahon ng marijuana, isang cal.38 pistol, dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu. isang community tax certificate na nakapangalan kay Joel Garcia.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

DE BELEN

DOMINGO CABANGON

JOEL GARCIA

JONATHAN DE BELEN

KA AMBO

NORZAGARAY POLICE

NORZAGARAY POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with