^

Police Metro

Walang pang-media noche… Mister tinodas ni misis

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay sa saksak ang isang magsasaka ng kanyang sariling misis makaraang magtalo tungkol sa kawalan ng pambili ng pagkain sa media noche kamakalawa ng umaga sa Purok 5, Barangay Mamala 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Hindi na umabot ng buhay sa Lucena United Doctors Hospital sanhi ng malalim na saksak sa kaliwang dibdib ang biktimang si Rodante San Vicente, 33, habang naaresto naman at nakapiit na ngayon sa municipal jail at nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Laarni San Vicente, 28.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga ay sumiklab ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa tungkol sa kawalan ng perang ipambibili ng kanilang ihahanda sa media noche.

Sa gitna ng pagtatalo ay iginiit ng mister na pagtiyagaan na lamang nila ang mga gulay at prutas sa kanilang bakuran na bagay namang ikinagalit ng misis.

Kumuha ng itak na may habang 18-pulgada ang mister upang takutin ang asawa subali’t naagaw sa kanya ng misis at ipinangsaksak sa kanya.

vuukle comment

ANG

BARANGAY MAMALA

KUMUHA

LAARNI SAN VICENTE

LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL

MISIS

NAPATAY

PUROK

QUEZON

RODANTE SAN VICENTE

SARIAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with