^

Police Metro

Drug bust: AWOL na pulis, 1 pa napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pusher kabilang ang isang Absence Without Official Leave  na pulis matapos na mauwi sa shootout ang drug bust ope­ration kahapon ng mada­ling araw sa Brgy. Tucod, San Rafael, Bulacan.

Ang napatay na AWOL na parak ay  si PO1 Edison Liwag, dating kasapi ng Provincial Public Safety Company,  Bulacan Provincial Police Office (PPO).Habang inaalam ang pagkakakilanlan ng kasamahan nitong nasawi din.

Batay sa ulat, bandang alas-12:15 ng hapon nang magsagawa ng drug buy bust operation ang mga elemento ng Bulacan-San Rafael Police Station laban sa notoryus na drug gang na pinangungunahan ni PO1 Liwag.

Gayunman sa halip na sumuko ay kumasa ang mga suspek sa mga operatiba ng pulisya na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig at napatay ang dalawa habang inaresto rin ang live in partner ni Liwag na nahuli sa aktong nagbebenta ng illegal na droga.

Nasamsam sa pinangyarihan ng shootout ang da­lawang Pietro Beretta 9 Mm, isang cal.38 at ilang sachet ng shabu.

vuukle comment

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

ACIRC

ANG

BATAY

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

BULACAN-SAN RAFAEL POLICE STATION

EDISON LIWAG

LIWAG

PIETRO BERETTA

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

SAN RAFAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with