^

Police Metro

Dalaga gumamit ng 5 abortion capsule

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kakasuhan ng mga otoridad ang isang 30-anyos na dalaga na nadiskubreng gumamit ito ng abortion drugs na ang tatlo ay kanyang ininom habang ang da­lawa ay inilagay sa ari   para ipalaglag ang kanyang ipinagbubuntis na sanggol.

Kinilala ang suspek na si Allyn Sarmiento, ng Mauban St., Brgy.Manresa, Quezon City na kasalukuyang nakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC) dahil sa pangyayari.

Bago ang insidente, nagtungo si Allyn at kapatid nitong si Jay-Ar sa JRMMC at inireport ang  miscarriage na nara­ranasan ng una at nang suriin ni Dr. Catherine Mae Morante ay hindi naman dumadanas ng normal na misscariage kundi dahil sa kanyang infection.

Matapos ang ope­rasyon ay ipinagtapat ni Allyn na siya ay sumailalim sa intentional abortion sa pamamagitan ng paggamit ng cytotec noong Sept.7 na ang tatlong kapsula ay kanyang ininom habang ang dalawang kapsula ay inilagay sa  kanyang ari sa pagtatangkang matanggal ang fetus na kanyang dinadala.

Nagpasya ang doktora na ipagbigay alam ang insidente sa otoridad para sa imbestigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ALLYN

ALLYN SARMIENTO

ANG

BRGY

DR. CATHERINE MAE MORANTE

JAY-AR

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KAKASUHAN

MAUBAN ST.

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with