^

Police Metro

2-anyos na apo ng mayor na dinukot natagpuang patay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bangkay na nang matagpuan noong Biyernes Santo ang isang 2-anyos na batang babae kasama ang 3-anyos nitong kapatid at 17-anyos nilang yaya na dinukot ng 10 armadong kalalakihan  kamakailan sa pamilihang bayan ng Pitogo, Zamboanga del Sur.

Ang bangkay ay kinilalang si Zynielle Jay Garban na nadiskubre ng mga mangingisda na palutang lutang sa dagat.

Magugunita na dinukot ng mga armadong suspek ang nasawi, kapatid nitong si Ace Jay Garban, 3; pawang mga apo ni Pitogo Mayor Richard Garban at kanilang yaya na si Ledegie Tomarong, 17 noong Abril 1 habang hinahabol ng mga nagrespondeng elemento ng pulisya pagkaraang mabigo ang mga suspek na dukutin ang isang bakery owner na kanilang target  sa lugar dakong alas-5:30 ng hapon noong Abril 1.

Nabatid na hindi ang tatlo ang planong dukutin ng mga suspek kundi ang bakery owner na si Czarina Sajulga, pero nakatakbo ito at nakapagtago sa kaniyang silid.

Pinaniniwalaan naman ng mga otoridad na nairita ang mga kidnapper sa pagpalahaw ng bata kaya ihinagis ito sa dagat na siya nitong ikinasawi.

Patuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad  sa dalawa pang nalalabing bihag. - Joy Cantos-

 

vuukle comment

ABRIL

ACE JAY GARBAN

ANG

BIYERNES SANTO

CZARINA SAJULGA

JOY CANTOS

LEDEGIE TOMARONG

MGA

NBSP

PITOGO MAYOR RICHARD GARBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with