^

Police Metro

100 BIFF na ang napapatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa mahigit 100 Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na ang napapatay sa all out offensive ng tropa ng militar  sa panibagong engkuwentro sa swamp area ng Brgy. Pamalian, Shariff Saydona, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni AFP Spokesman Brig.Gen. Joselito Kakilala na kabilang sa mga kumpirmadong nasawi ay dalawang pamangkin at isa pang kamag-anak ng wanted na bomb expert na si Abdul Basit Usman na sina Rene Masabpi at Kumidi Simeon.

Sinabi nito na ang pagkamatay ng mga kamag-anak ni Usman ay indikasyon na malapit nang masukol ito ng tropa ng militar.

Pinabulaanan rin ni Kakilala na nakatakas sa military operation sa SPMX box-Salvo, Pagatin, Mamasapano at Shariff Aguak si Usman at ang lima pang dayuhang terorista na kasama nito.

Nabatid na napapalibutan na ng operating troops  ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 sa pamumuno ni Lt. Col.Willy Manalang ang grupo ni Usman at lima pang dayuhang terorista na kinakanlong ni BIFF Commander Mohammad Ali Tambako.

vuukle comment

ABDUL BASIT USMAN

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

COMMANDER MOHAMMAD ALI TAMBAKO

JOSELITO KAKILALA

KUMIDI SIMEON

MARINE BATTALION LANDING TEAM

RENE MASABPI

SHARIFF AGUAK

SHARIFF SAYDONA

SINABI

USMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with