^

Police Metro

Holdaper rapist at pumatay sa Koreana sa Quezon City, tiklo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga otoridad ang isang suspek na res­ponsable sa serye ng robbery holdup sa mga maliliit na establisyemento at bumaril at nakapatay sa isang babaeng Korean national kamakailan sa Quezon City.

Ang suspek ay nakilalang si Mark Soquil, 29, ng Riverside, Brgy. Commonwealth na nadakip makaraang buuin ang Task Force Park kasunod nang pagkasawi ni Mi Kyong Park, 45, na binaril nito sa may Been Leaf Coffeehouse Restaurant sa may Brgy. Holy Spirit nitong nakaraang Lunes.

Ang suspek ay nadakip makaraang makatanggap ang pulisya ng impormasyon ganap na alas-10:30 ng umaga kaugnay sa pagtambay nito sa harap ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth Avenue at magsasagawa na  naman ng panghoholdap.

Tinungo ng mga otoridad ang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na  nasamsaman ng isang granada, isang kalibre 45, ilang piraso ng plastic sachet ng shabu at motorsiklo na ginagamit nito sa kanyang iligal na operasyon.

Si Soquil ay responsable sa walong insidente ng robbery holdup at rape simula noong Disyembre ng nakaraang taon na hanggang sa kasalukuyan na ang modus ay magkunwaring kustomer saka iipunin ang mga kustomer at kawani bago ikukulong sa banyo at gagahasain ang ilang kababaihan.

Positibong kinilala si Soquil ng ilang testigo na siyang suspek na nambiktima sa kanila at tumangay ng kanilang kita at mga gamit.

vuukle comment

BEEN LEAF COFFEEHOUSE RESTAURANT

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

EVER GOTESCO MALL

HOLY SPIRIT

MARK SOQUIL

MI KYONG PARK

QUEZON CITY

SI SOQUIL

TASK FORCE PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with