^

Police Metro

Nabasa ang text ng kabit… misis todas sa selosong lover

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 27-an­yos na ginang nang ito ay ataduhin nang saksak ng kanyang ka-live in matapos na magtalo nang mabasa ang text messages ng umano’y kabit  nito kahapon ng madaling araw sa Brgy.Lopoc, Labason, Zamboanga del Norte.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng saksak sa ibat’ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Jecil Salundagi.

Sumuko naman sa pulisya ang mister nitong si Melgray Obido, 33, driver, ilang oras matapos ang krimen.

Lumalabas sa im­bestigasyon, dakong ala-1:20 ng madaling araw ay magkatabing natutulog sa kanilang kuwarto ang mag-live in partner ng tumunog nang sunud-sunod ang cellphone ng ginang dahil sa text umano ng kabit nito.

Dali-daling buma­ngon ang ginang at binasa ang text messages ng umano’y kabit  nito, subalit naalimpu­ngatan ang live in nito at tinanong kung sino ang  nag-text sabay agaw sa cell phone.

 Matapos na mabasa ang text ay nagalit ang suspek sa biktima na na­ging dahilan ng mainitang pagtatalo hanggang sa pumunta ang una sa kusina at kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang huli na naging dahilan ng kamatayan nito.

Nasugatan naman sa braso ang  biyenang babae na si Carmelita Salundagi, 68, nang tangkaing pigilan ang pananaksak ng suspek sa anak.

Nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na nakakulong na ngayon.

vuukle comment

BRGY

CARMELITA SALUNDAGI

JECIL SALUNDAGI

LABASON

LOPOC

LUMALABAS

MATAPOS

MELGRAY OBIDO

NAHAHARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with