^

Police Metro

Nanapak sa 11-anyos anak, inutas ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ng isang tatay ang isang 35-anyos na lalaki na su­mapak sa kanyang 11-an­yos anak na lalaki kamakalawa sa Brgy. Manat, Binmaley, Panga­sinan.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng saksak ng ‘Swiss knife sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Andrew Velasco.

Tumakas naman ang suspek na si Alfredo Sanchez, 42-anyos at kapitbahay ng suspek sa lugar.

Bago nangyari ang krimen bandang alas-9:30 ng gabi sa Brgy. Manat, Binmaley ng lalawigan ay umiiyak na nagsumbong ang 11-anyos na anak ng suspek na si Miko sa kaniyang ama na umano ay  sinapak at binatukan ni Velasco.

Galit na galit na sinugod ng suspek ang biktima na nagtatakbo at nang maabutan sa paanan ng Manat Bridge ay doon na ito nagsuntukan hanggang sa nauwi sa pana­naksak ng ‘Swiss knife’.

Duguang bumulagta ang biktima at tumakas ang suspek.

 

vuukle comment

ALFREDO SANCHEZ

ANDREW VELASCO

BINMALEY

BRGY

DUGUANG

GALIT

MANAT

MANAT BRIDGE

MIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with