^

Police Metro

Taxi driver-holdaper nambiktima sa QC at Maynila

Ricky Tulipat, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muli na namang umarangkada ang taxi driver na holdaper na nakapambiktima sa Quezon City at Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Flora Mae Alberto, 21, dalaga ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City ay natangayan ng pera at cellphone ng taxi driver na holdaper.

Sa salaysay ng biktima, dakong alas-11:00 ng gabi ay sumakay siya sa taxi na hindi niya nakita ang pangalan at plaka sa may bahagi ng Magallanes, Makati City at nagpahatid sa Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle.

Pagsapit sa NIA Road St., kanto ng BIR Road St., Brgy. Pinyahan ay bigla na lamang naglabas ng kutsilyo ang driver at  nagdeklara ng holdap.

Puwersahang kinuha ng driver ang dalang shoulder bag na naglalaman ng pera at cellphone na nagkakahalaga ng P15,000, bago siya pinababa ng taksi at sa labis na kalituhan ay hindi nakuha ang pangalan at plaka ng taxi.

Samantala, nadakip naman ng mga tauhan ng  Manila Police District-station 8 ang isang taxi driver na holdaper at kasama nito matapos na holdapin ang dalawang dalaga na sumakay sa taxi nito sa Malate, Maynila kamakalawa.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Edmon Roque, 34, may-asawa, dating pastor at residente ng no. 9-A  Musni  St., Sta. Ana, Pateros at ang utak na si Marvic Luzendo alyas “Koykoy” , 23, binata, ng no. 3374 Manggahan Avenue, Kalawaan, Pasig City.

Si Roque ay nadakip kahapon habang iginagarahe ang  minamanehong Vilma Obell taxi na may plakang UYC-787 sa Makati City.

Ayon sa  dalawang dalaga na itinago ang mga pangalan, matapos manggaling sa isang KTV bar ay sumakay sila ng taxi sa Malate, Manila  bandang alas-5:20 ng umaga at nagpahatid sa isang lugar sa Sampaloc, Maynila.

Nagtaka ang dalawa kung bakit sila pinaikot-ikot sa Quiapo at dumaan pa sa Nagtahan bridge gayung pwede namang dumiretso.

Habang  nakahinto  sa V. Mapa St., ay nagdeklara ng holdap ang taxi driver at may kumalabog sa likod at nakita na lumabas mula sa compartment ang nagtatagong si Koykoy.

Nilimas ang kanilang dalang bag at gadgets at ipinababa bago sumibat ang dalawang suspek.

vuukle comment

BATASAN HILLS

BRGY

EDMON ROQUE

FLORA MAE ALBERTO

MAKATI CITY

MAYNILA

QUEZON CITY

ROAD ST.

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with