^

Police Metro

Barker pinatahimik ng gunman

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tuluyan nang hindi nagising sa mahimbing na pagtulog ang isang barker matapos na ito ay pasukin sa kanyang kubol at barilin ng isang hindi pa kilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Brgy.Commonwealth, Quezon City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Rinald Memis, 42, binata ng 731 Litex Road, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Batay sa ulat, ganap na  ala-1:00 ng madaling araw nang pasukin ng hindi pa kilalang suspek ang kubol ng biktima sa nasabing lugar at barilin.

Sa salaysay ng isang Art Alestre, kalapit kuwarto ng biktima, natutulog siya nang mga oras na iyon nang biglang may tumad­yak sa pintuan niya at pumasok ang suspek sabay tutok ng baril at tinanong ang kina­roroonan ng biktima.
Sa takot ay itinuro ang tinutuluyang kuwarto ng biktima na ilang hakbang lang ang layo hanggang nakarinig na lang ito ng putok ng baril.

Patuloy ang imbestogasyon kung ano ang motibo ng pagpatay sa biktima.

vuukle comment

ART ALESTRE

BATAY

BIKTIMA

BRGY

LITEX ROAD

PATULOY

QUEZON CITY

RINALD MEMIS

TULUYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with