^

Police Metro

Checkpoint inisnab: 2 todas

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang dalawang la­laki na umano’y holdaper matapos na balewalain ang police checkpoint at maki­pagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Imus City, Cavite.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout dakong alas-4:00 ng mada­ling-araw sa Daang Hari Road, Pasong Buaya I ng lungsod ay naglatag dito ng checkpoint ang mga pulis bilang bahagi ng Oplan Sita kaugnay ng pagbibigay seguridad ng araw ng Undas.

Dito ay dumaan sa checkpoint ang dalawang lalaki na lulan ng kulay itim na Honda TMX na ‘for registration’ ang plaka.

Sa halip  na huminto at sumailalim sa inspeksyon ay pinaputukan ng mga ito ang mga nakatalagang pulis at pinaharurot ang kanilang motorsiklo para tumakas.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek at gumanti ng putok at sa ilang minutong palitan ng putukan ay tinamaan ang  dalawang suspek na namatay noon din.

Patuloy pang beneberipika ang mga pa­ngalan ng mga suspek gayundin ang gamit nilang motorsiklo kung ito ay karnap.

vuukle comment

BATAY

CAVITE

DAANG HARI ROAD

DITO

HINABOL

IMUS CITY

OPLAN SITA

PASONG BUAYA I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with