^

Police Metro

Dalaga na pipi’t bingi hinalay sa harap ng amang paralitiko

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagmistulang leon ang isang 31-anyos na lalaki at hindi na nito pinatawad ang isang dalaga na pipi’t bingi na kanyang ginahasa sa harap mismo ng ama nito na isang paralitiko kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Francisco Tongco, hiwalay sa asawa, at residente ng F. Aguilar St., Bagong Barrio, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang magtungo sa bahay ng biktima si Tongco at nagbigay ng P100 para pabaryahan.

Lumabas ang ina ng biktima upang pabarya­han ang P100, ngunit nang makabalik sa bahay ay nakita niyang nakapatong na ang suspek sa kanyang dalagang anak habang hindi ito matulungan ng ama na isa namang paralitiko.

Sinalakay ng ina ang suspek at pinagpapalo ng kahoy kaya’t nagtatakbo palabas dahilan para siya maaresto ng mga rumes­pondeng barangay tanod.

vuukle comment

AGUILAR ST.

BAGONG BARRIO

BATAY

CALOOCAN CITY

FRANCISCO TONGCO

LUMABAS

NAGMISTULANG

SINALAKAY

TONGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with