^

Police Metro

Paslit nailigtas sa 2 kidnaper

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matagumpay na nai­ligtas ng mga otoridad ang isang 5-anyos na batang babae sa dalawang pinaghihinalaang miyembro ng kidnap for ransom gang sa isang operasyon sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa ng hapon.

Ang bata ay itinago sa pangalang Princess ay nasagip ng mga otoridad dakong alas-2:00 ng hapon habang sakay ng motor cab sa Brgy. Matampay ng lungsod.

Nabatid na ang biktima ay dinukot ng mga armadong kidnaper sa bahay nito sa Iligan City, Lanao del Norte noong Hulyo 16 ng taong ito.

Nasakote ang dalawang suspek na kinilalang sina Jalal Roco, driver at Joven Saripanda.

Itinanggi naman ng mga suspek na sila ang dumukot sa bata at iginiit na napag-utusan lamang sila na ihatid ito sa terminal ng sasakyan kung saan naghihintay ang kaniyang ina.

Sinasabing nagbayad umano ng board and lodging ang pamilya ng biktima kapalit ng kalayaan ng bata.

 

vuukle comment

BRGY

HULYO

ILIGAN CITY

ITINANGGI

JALAL ROCO

JOVEN SARIPANDA

LANAO

MARAWI CITY

MATAGUMPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with