^

Police Metro

Binata na galing lamay, pinatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinumba ng hindi pa kilalang mga suspek ang isang 22-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ito habang papauwi na ng bahay kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakuha sa bulsa ng biktima na nakilalang si Ha­rold Anno,  jobless ng Brgy. Commonwealth ang isang kapirasong papel na may nakasulat na “Drug adik ako at tulak, huwag tularan”.

Sa kasalukuyan ay blangko ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek dahil walang nakakita nang pagbabarilin ang biktima na  nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.

Lumalabas sa imbestigasyon, dakong alas-2:13 ng madaling-araw sa eskinita ng Steve St., Brgy. Commonwealth nang pagbabarilin ang biktima.

Nabatid na galing sa lamay ang biktima at papauwi ng kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Ayon naman sa kaanak na tanging paninigarilyo at pag-inom ng alak ang bisyo ng biktima kaya’t nagtataka sila kung bakit sinasabing adik ito sa droga.

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BRGY

ITINUMBA

LUMALABAS

NABATID

NAKUHA

QUEZON CITY

STEVE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with