^

Police Metro

2 katao nasapol ng kidlat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedbol ang dalawa ka­tao makaraang aksidenteng tamaan ng kidlat sa magkakahiwalay na insidente sa bayan ng Murcia at Talisay City, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Rex Vasquez na tinamaan ng kidlat sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. San Fernando, Talisay City.

Batay sa ulat, bandang alas-4:00 habang nasa bintana si Vasquez ay bigla na lamang kumulog ng malakas at kasunod nito ay pagkidlat na tumama sa katawan nito.

Nagawa pang maisugod sa Talisay City Health Office si Vasquez, pero idineklara na itong dead on arrival.

Ang ikalawang  insidente ay naganap dakong alas-10:00 ng umaga nang tamaan din ng kidlat ang magsasaka na si Crisanto Rivera sa Brgy. Lopez  Jaena, Murcia.

Namatay ito noon din dahil sa grabeng pagkasunog ng katawan.

Pinayuhan naman ng mga lokal na opisyal ang mga residente na isagawa ang kaukulang pag-iingat sanhi ng madalas na pagkidlat sa lalawigan.

 

vuukle comment

BRGY

CRISANTO RIVERA

MURCIA

NEGROS OCCIDENTAL

REX VASQUEZ

SAN FERNANDO

TALISAY CITY

TALISAY CITY HEALTH OFFICE

VASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with