^

Police Metro

Para ipakita sa misis na nasa abroad... pagkatay sa anak ini-upload sa FB

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila wala sa katinuan ang isang tatay nang gawin nito ang pagkatay sa kanyang 7-anyos na anak na babae na habang ginagawa ang krimen ay kinukunan niya ito ng video naganap kahapon ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Angel Mark Cathlene Manliclic na nadatnan ng kanyang mga tiyahin na duguang nakasubsob at wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay.

Agad nadakip ang tatay na si  Mark Alvin Manliclic, 31.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ni PO2 Rhic Pittong, nangyari ang karumal-dumal na krimen dakong alas-3:00 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-ama na matatagpuan sa no. 26 M. Aquino St., Brgy.Sta. Lucia.

Sa salaysay ng tiyahin ng biktima na si Vilma Villajuan, natutulog siya sa kanilang bahay nang dumating ang suspek at ipinagtapat sa kanya na pinatay niya ang kanyang anak na si Angel.

Nagsisigaw at nag-iiyak si Villajuan sa ipinagtapat ng suspek hanggang sa marinig niya ang sigaw ng pamangkin na si May Andrea Manliclic.

Kaya’t agad nitong pinuntahan ang bahay at dito nakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng biktima.

Sa salaysay ng mga kaanak ng biktima na bago nangyari ang krimen ay nagkaroon ng pagtatalo sa telepono ang suspek at misis nito na ina ng biktima na nasa Canada dahil sa pinauuwi na ito ng suspek gayung tatlong buwan pa lang ito nagtatrabaho doon.

Hindi pumayag ang misis sa nais ng suspek kung kaya’t  nagbanta umano ito na papatayin ang kanilang anak kapag hindi umuwi.

Sa nasabing oras habang natutulog ang biktima ay nilapitan ito ng ama na dala ang celphone at binidyuhan ang paggilit sa anak at pagsaksak dito ng maraming beses sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa pulisya na inamin ng suspek na pagkatapos niyang  mapatay ang anak ay agad niya itong ini-upload ang video footage sa Facebook at Skype  upang makita umano ng misis nito na tinotoo nito ang banta.

Malaki ang hinala ng pulisya na lango sa ipinagbabawal na droga ang  suspek nang gawin ang karumal-dumal na krimen sa kanyang anak.

vuukle comment

ANAK

ANGEL MARK CATHLENE MANLICLIC

AQUINO ST.

MARK ALVIN MANLICLIC

MAY ANDREA MANLICLIC

QUEZON CITY

RHIC PITTONG

SUSPEK

VILMA VILLAJUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with